Sunday, March 7, 2010

LOVE COUPLES



Para sa First Part ng aking blog, si medyo mataray but masayang kasama na si Catherine at si Michael na matangkad (talented din) at cute "DAW" (sabi nya). Masayang kasama naman ang dalawang ito. Ang tawag ni Cat kay Michael ay "Kuya Michael" at alam kong may crush (sa pagkakaalam ko) din naman si Cat kay Michael pero meron pang nagkagusto kay Cat na kaklase ko din. (Jhonsrod pangalan) Kaso hindi ko nailagay pic nya kasi wala ako mapagkunan! ("Ikaw kasi Jhonsrod! sabi ng maglagay ng picture sa Facebook ayaw naman!).

Ngayon naman ay ang talented kong kaibigang si Charlie and si makulit at kalog na si Gemma. Dati sila ang magsyota kaso nagbreak sila dahil ata kay Gemma kasi hindi sila ng-uusap. Ito kasing si Gemma nahiya pa! kami-kami lang naman wahaha! Nagkaaway pa nga 'tong dalawang ito eh! Kaso pinagbabati din namin. Nainis nga sa'kin si Charlie kasi humingi ako ng favor na kung pwede kuhaan ko sila ng picture ni Gemma, eh di nagkahiyaan pa tapos dumating ang kinatakutan ko. Naglowbat ang Videocam na gamit ko.

Now meet Jonalyn. Third year (hindi namin ka-batch pero ka-close naman namin) at ang Varsity player namin ng volleyball na si Joshua. 1st year pa lang, sila na! Pero naghiwalay na din sila! Naka-2 na ata si Jaz ng girlfriend pero ngayon naging sila ulit.

Ngayon nasa kalagitnaan na tayo ng blog ko, ang classmate ko na matalino ngunit mahiyaing si Almira at ang talented kong kaibigan na si Charlie, (yun ulit ang description na ginamit ko) ang isa sa mga love team ng aming room. Ang hindi ko malilimutan na experience ko kay Charlie ay nung namamasyal kami, sabi nya ka-text nya daw si Almira (hindi naka-save sa phonebook nya ung no. na un, nagpakilala lang na sya daw si Almira) at pinaguusapan nila ang Valentines (malapit na din kasi yung Valentines nung time na yun). Tuwang-tuwa sya ng pumayag si Almira na makipag-date sa kanya. Pero pagkatapos mag-agree ni Charlie sa date. Biglang nagreply at ang sabi " Pre, si Francis toh! Anu oras simba natin bukas?" Nainis si Charlie kasi naloko sya ng classmate namin na si Francis samantalang ako naman ay tawa lang ng tawa.


Next stop sina medyo mataray din na si Judith, Labagistang si Giegson at si Dominant K ( sabi ni Sir Russell) na si Rechelyn. Sa ngayon mag syota pa si Judith at Giegz (ata kasi nag-away sila) pero dati naging si Rechelyn at Giegz din. Ang sweet nga nila dati sa room pag tapos na ang klase pero ngayon may special someone na (ata) si Rechelyn pero secret lang daw yun.

At syempre, sino bang 2nd year-Wisdom ang makakalimot sa Melason ng 2A? Si Mary Joyce at Rigor, in short MaryGor! (LOL baka magselos si Karen nito haha.. ) Simula pa man ng highschool life namin, tinutukso na namin sila sa isa't isa, at hanggang ngayon patuloy namin silang tinutukso! Ang hindi ko malilimutan na experience ko sa dalawang ito ay nung lumipat kami ng room sa 3A para magreview sa NAT, naubusan ng bangko si Mary Joyce at ang natitirang bangko na lang ay katabi si Rigor! Umulan ng kantsawan sa room. Halos namumula na silang dalawa! Pinagkaisahan namin sila. Lahat ginawa ni Rigor upang makalipat ng bangko at yun.. nakahanap siya ng vacant seat at natapos ang kantsawan sa room.





And last, but not the least si Eunice at si Donald, Si Eunice na nakakalaban ko din sa honor roll at ang kaibigan ko na si Donald. Late ko nang nalaman na naging sila pala, pero maaga din silang nag break-up kasi sabi ni Eunice bawal daw ang pagb-BF sabi ng nanay nya. Pero hindi pa din nawawalan ng pag-asa si Donald upang maging sila ulit. Go Doy-doy!



Sorry sa mga 2nd year na LOVE TEAMS wala sa blog ko kasi wala akong makuha ng mga pics nyo. Na-lowbat kasi ung cam na gamit ko.

Kung mapapansin nyo wala akong pic dito na may ka-Love Team.. hehe talagang WALA kasi tulad ng sabi ng teacher ko ako ay isang recessive! natatabunan ng DOMINANTS haha.. (Biology) at wala pa sa vocabulary ko ang mga relasyong iyan kasi study first muna! :D

Lahat pwedeng mag-comment specially mga classmates, teachers, may alam ng URL ko at syempre dapat may access sa net bwahaha!